LAKBAY SANAYSAY||SIMALA SHRINE
Di natin maitatanggi na sa pamamagitan ng paglalakbay ay mapapagaan ang ating kalooban.May iba't iba tayong destinasyon na pupuntahan marahil marami sa atin pupunta sa beach, museum atbp.Isa na ako dun nais kong ibahagi ang aking paglalakbay sa "SIMALA SHRINE" na isa sa tinaguriang milagrosong lugar na matatagpuan sa Sibonga probinsya Ng Cebu.Bilang isang katoliko ang aking pamilya ay nag dedesisyon na bumisita sa simbahang iyon na,napakatagal nang panahon ang huling pagbisita namin doon
Sa pagpasok pa lang namin bumungad ang napakagandang disenyo na malaparaiso ang estraktura.Magagandang tanawin,simoy ng hangin at mga taong masasaya sa pagsalubong ng mga bumibisita.Lahat ng pagod sa byahe ay matatawaran sa destinasyong mala paraiso na parang ramdam mo ang presensya ng nasa itaas.Pagod at pagkahilo sa byahe ay nawala higit sa lahat ang mukhang simangot ay nabigyan ng kulay at balik siglang saya.
Sa pagpasok namin dito nakikita ang mga taong nagdadasal at umiiyak habang nanalangin.Pagpasok ko pa lng dito unang una na aking naisip ay manalangin,lahat mga hinanakit ko mga problemang aking naranasan,mga kasalanan na aking nagawa ay ibinahagi ko sa may kapal at ang aking lubos na pasasalamat sa kanya.
Meron din dito ang paghalik ng birhen,mga gusto mong isulat na iyong hihilingin,healing atbp. Makikita din sa simbahang ito ang mga gamit ng taong may mga kapansanan,nakapasa sa board exam na gumaling dahilan nang sinamahan ng pananalangin at paniniwala sa may kapal.
Pagkatapos naming manalangin,humalik sa birhen,sumulat ng mga hinihiling,lumibot sa loob,atbp. Ay lumabas na kami,sa aking paglabas ramdam ko ang pagkagaan ng loob na parang walang problema at hinanakit na dinadala.Yung tipong napakagaan Ng iyong katawan at dibdib na para bang nawaglit lahat ng negatibong enerhiya sa iyong katawan at isip.
Sa paglalakbay namin na iyon ay napaka "unforgettable and treasurable moment"yung tipong akala mong simpleng paglalakbay pero lubos isipin Isang paglalakbay na hindi matutumbasan ng kanino man.At sa pag uwi ay walang anumang pagkadismaya sa lugar.
Comments
Post a Comment